Conversations with Louise – Volume 3

Conversation #21 (that cringing moment as a parent):

*during swimming, Louise was walking around the pool and said hi to another kid*

Louise: Hi!
Kid: Hi!
Me: What’s your name?
Kid: Abigail
Me: Louise, siya si ate Abigail…sabihin mo name mo.
Louise: I’m Louise.

*brief silence*

Louise: naka Hello Kitty ako na swim suit!
Abigail: Ako naka-Ariel.
Louise: Ang ganda nga ng swim suit ko…yung sa’yo pangit!

Yikes!


Conversation #22:

Me: Sakit ng dito ko! *pointing to my ribs*
Joyce: Bakit masakit? Anong nangyari diyan?
Me: Tinamaan kasi nung Monday nung nagfrisbee ako.
Louise: Bakit tinamaan?
Me: Tinamaan ng tao.
Louise: Bakit?
Me: Nag-aagawan kasi kami sa frisbee. Unahan kami makakuha.
Louise: Dapat madaming frisbee.

Oo nga naman! Bakit kasi kelangan mag-agawan!


Conversation #23:

Louise: *singing a counting song* May isang chikading na dumapo sa sanga umalis ang isa dalawa na sila.
Me: *interrupts* teka, bakit umalis na nga yung isa nadagdagan pa sila?!
Louise: eh kasi…tinawag niya yung iba!

WALA! Wala akong masabi!


Conversation #24:

*while playing Plants vs. Zombies*

Joyce: Louise, sinong papakain mo sa zombies, si lolo o si lola?
Louise: si Lola!
Lola: Bakit si lola papakain mo sa zombie, bakit hindi si lolo na lang?
Louise: eh kasi…hindi ka maganda, ako maganda. Si ate elaine (Louise’s yaya) maganda din…O! Ikaw hindi…kaya kakainin ka ng zombie…Tsaka si daddy!

Partida, wala pa ako niyan sa choices…:(


Conversation #25:

A Eureka moment for Louise who has colds and having difficulty with her clogged nose…

Louise: ah! Hindi na ako makakaamoy ng mabaho dahil barado ang ilong ko!!!


Conversation #26:

Ever wondered how Patrick Star came about?!

LOUISE KNOWS!

Me: So saan galing si Patrick Star?
Louise: Yung star, galing sa sky, nahulog sa water tapos lumubog, ayun, naging Patrick Star!


Conversation #27:

Me: *holding a book from school with a picture of a lady on the cover* Louise, sino to?
Louise: Si Safe Magdalene.
Me: sino?
Louise: Si Safe Magdalene of Canossa!!! Dahil sa kanya safe sa school ko!

Anak, it’s Saint Magdalene…


Conversation #28:

*Louise getting Joyce‘s phone*

Louise: itetext ko si daddy
Joyce: anong sasabihin mo?
Louise: *while pretending to text* Be a good boy. We love you! Be a good girl.
Me: Bakit be a good girl ako?
Louise: si Mommy katext ko.

*Louise continues*

Louise: Thank you po for this day! Paglumabas yung baby, saan po siya matutulog?
Me: sino na ba katext mo?
Louise: Si Lord!

Amen!


Conversation #29:

Louise: Gusto mo magmake-up?
Me: Ayoko.
Louise: Make up na tayo para makapunta sa church.
Me: Ayoko.
Louise: Make up na kita para gumanda ka…pangit mo eh!
Me: Sige.


Conversation #30:

Me: *opening the cabinet*
Louise: Daddy, anong gagawin mo? Wag kang kukuha ng bra.
Me: Bakit?
Louise: Pang girl lang yun!

Walang basagan ng trip anak!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s